Kwento Mo... Balita Ko...
Gawad Imusenyo 2019
Ibinida ng mga guro at kawani ng sangay ng Imus ang kani-kanilang Filipiniana theme na kasuotan sa katatapos pa lamang na Gawad Imusenyo 2019 na ginanap sa Imus Sports Complex noong Hunyo 25, 2019
Hindi nagpahuli ang mga guro pati na rin ang 2 non-teaching personnel ng Paaralang Elementarya ng Alapan 1 sa walong kategoryang nilahukan ng paaralan.
Mga kategoryang nominado ang paaralan:
1. Outstanding Public Elementary school Principal (Gng. Gina U. Reyes)
2. Outstanding Public Elementary School Teacher (Gng. Ma. nelia G. Mariano)
3. Outstanding School Paper Adviser (Gng. Remedios Q. Panganiban)
4. Outstanding LSB- CSU Personnel (Gng. Estelita C. Santos)
5. Outstanding LSB Utility Personnel (G. Rogelio F. Belmonte)
6. Most Effective School ELLN Implementer
7. Outstanding School RDDM Implementer
8. Outstanding Public Elementary School
Samantala, napaiyak naman sa tuwa si Gng. Estelita C. Santos sa pagkakahirang sa kanya bilang Outstanding LSB- CSU Personnel sa nasabing parangal.

Iba ang may Alam: Earthquake Drill sa buwan ng Hunyo
(Ariel Espartero, G5)
Taon-taon isinasagawa ang Earthquake Drill sa buong bansa dalawang beses bawat taon.
Muling nagsagawa ng Drop-Cover and Hold ang paaralan alinsunod sa panukala ng National Disaster Risk Reduction Management Council na isagawa ito noong Hunyo 20 sa ganap na ika-2 ng hapon.
"Para mapanatili nating ligtas ang mga bata sa oras ng sakuna, tinuturuan natin sila na maging alerto sa lahat ng oras", pahayag ni G. arly V. Flores, SDRRM Focal Person ng Paaralan. ayon pa sa kanya, ginagawa niya ang lahat para mailipat sa lahat ng mag-aaral at guro ang mga kaalaman tungkol sa lindol at kung paano makakaligtas sa oras nang pagyanig ng lupa.
Ipinakita naman ng lahat na sila ay handa anomang oras dahil isinapuso at isinaisip ng lahat ang kaalamang ibinigay ni G. Flores.

"Maganda na, mas pinaganda pa"-Flores (Ferdinand Pangan)
Hindi maikakailang mas pinaganda pa ang paaralan ng Alapan 1 ngayong taon dahil sa pagsasaayos ng ibat-ibang bahagi nito tulad ng covered area, garden section, mga silid aralan at palikuran ngunit mas nakaagaw atensyon ang bagong gawang ILOVEALAPAN1ES sa harap ng dambana ni Inang Bayan.
Sinimulan ang proyekto ng General Parent-Teacher Association (GPTA) sa ilalim ni G. Ricahrd Caraig, pangulo ng nasabing samahan noong Mayo at natapos isang araw bago ang pasukan ng paaralan.
"Hindi po ito ipinagawa ng ating samahan para sa amin, ito po ay para sa ating mga anak na nag-aaral sa ating paaralan. Kami po taos-pusong tutulong sa pagsasaayos ng paaralan dahil naniniwala po kami na kung maganda ang loob ng paaralan, mas gaganahan ang ating mga anak na magsumikap sa pag-aaral", pahayag ni Caraig.
Hanggang sa oras na ito, nagsasaayos pa rin ang paaralan ng ilang palikurang gagamitin ng mga bata at mga guro.

Halos 3 libong mag-aaral, balik-eskwela na (Elsa Colar, G1)
Inaasahan ng pamunuan ng Paaralang Elementarya ng Alapan 1 ang pagpasok ng halos tatlong libong mag-aaral mula Kinder hanggang Ika Anim na baitang sa darating na pasukan sa ika-3 ng Hunyo.
"Hindi natin kayang gawing whole day ang klase dahil sa nadagdagan pa ang bilang ng ating mag-aaral ngayong taon", pahayag ni Gng. Gina U. Reyes sa harap ng mga bata sa unang flag ceremony sa paaralan.
Sa ngayon, mayroong 1,697 na mga lalaki at 1,299 na mga babae na may kabuuang 2,996.
Inaasahan pang madadagdagan ang bilang ng mga mag-aaral dahil sa mga transferees at mga batang mag-babalik-aral.

Mga guro ng paaralan, sumabak sa Lesson Plan Exemplar (Melinda Baluyot, G6)
Kasapi ng 2019 Lesson Plan Exemplar ang halos 30 guro ng paaralan para sa taong panuruan 2019-2020 kung saan gagamitin ang mabubuong banghay-aralin ng buong sangay ng Imus para sa mga susunod na taon.
Kabilang sina Vittorio Samson, Marlyn Alegro, Penelope Jarangue, Riza Quizon, Lovely Aldea at Marjorie Villamor sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao. Merelyn Flores, Elsa Colar at Jackielou Valdez sa Mother Tongue. Arly Flores, Van Duenas, Daniel Din, Wendy Tajantajan, Carla Saprid at Mary Chris Angeles sa MAPEH. Janice Teppang, Maribel Taganac para sa Araling Panlipunan, Cynthia Morcoso, Marilou Rosario at Marilou Cenita sa Matimatics, Vicente Domiguez sa Science and Health, Melinda Baluyot sa Filipino at Remedios Panganiban para naman sa English.
Ayos kay Gng. Feliz Tayao, EPS ng Edukasyon sa Pagpapakatao, gagamitin ng buong Dibisyon ang mga banghay aralin na gagawin ng mga guro.
Ipinakita na ng mga lesson plan writers ang kanilang gawa noong Hunyo 14 sa iba't-ibang paaralan sa bayan.